
Welcome to our Website
MABUHAY!
Ang 'website' ng BARANGAY 599 ay ginawa po upang gawing mas madali ang pakikipag-ugnayan ng Barangay Officials sa mga nasasakupan nito; makilala ang mga kasalukuyang naninilbihan sa Sanggunian; makakuha ng detalye o impormasyon ang ilang estudyante na nagre-research sa ating Barangay; malaman ang kasalukuyang kalagayan ng ating komunidad; at upang agad na maiparating ang anumang hinaing, reklamo, o suhestiyon na tutugon sa mga pangangailangan ng lahat.
Ang mga aktibidades na ginawa at gagawin pa lamang ay maaari po ninyong mabasa sa 'Events Calendar Page' sa ganun po ay magkaroon kayo ng pagkakataon na makilahok sa mga gagawing seminars, trainings, at livelihood programs.
Maaari po tayong magpalitan ng mga kuro-kuro para sa mas maayos na ugnayan. Mangyaring i-click po lamang ang 'Feedback/Guestbook Button' at sundin ang guide sa pag fill-up ng form. Ang lahat ng inyong komento ay agad po ninyong mababasa sa huling bahagi ng nasabing pahina.
Kung nais po namang ninyong malaman o mabisita ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, hindi n'yo na po kailangan mag research pa. Sadyain po lamang ang 'Links to Government Agencies' para sa mas madaling access.
Ang mga larawan naman po sa "Photo Gallery Page" ay nasa pormang slide, presentation, at animation. Kung hindi po ninyo makita ang mga larawan ay i-download po lamang at i- click ang Microsoft SIlverlight link na ito para sa mas kasiya-siyang panunuod.
Sa mga bibisita po ng website nating ito na lehitimong residente ng ating barangay, kung maari po sana ay fill-up-an ng kumpleto ang form sa 'Residents Data Input' upang otomatikong pumasok sa barangay data system ang inyong mga profile. Ito po ay kailangan para po sa barangay record at para na rin po sa inyong kapakinabangan. Halimbawang kailangan ng isang computer technician ay agad kayong mai-inform kung kayo ay interesado sa posisyon. O kung may tulong at libreng serbisyo mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno, ay agad na malaman kung sinu-sino ang mga mas nangangailangan at kung kanino angkop ang mga serbisyong ito. I-check po lamang sa 'Residents Data Output' kung tama ang inyong mga impormasyong isinumite.
Nawa'y gamitin po natin ang website na ito sa tamang paraan at sa kapakinabangan ng lahat.
Ngayon pa lamang, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pakikiisa!
NOTE:
Ang atin pong website ay kasalukuyang ina-up-date pa lamang kung kaya't kung kayo po ay may nais iwasto o ibahagi para makumpleto ang mga datos ay malugod po namin kayong inaanyayahang i-share ang inyong mga impormasyon, mga larawan o videos ng inyong mga organisasyon.